Proyekto ng Pagrehistro bilang Boluntaryo ng Wakayama International Exchange Center
Sistema ito ng pagrehistro kung saan maaaring sumali nang kusa sa gawaing boluntaryo ang mga mamamayan ng prefecture na interesado sa international exchange. Sistema ito upang mabalangkas ang pakikipagalubilo / pag-uunawaan ng mga taong may magkakaibang cultural background simula sa mga naninirahang dayuhan.
Nilalaman ng mga Gawain
・Detalye ng Nilalaman ng Gawaing Boluntaryo ng Wakayama International Exchange Center
- Interpretation / Translation
- Homestay / Home Visit
- Wikang Hapon
- Pagpapakilala ng Kultura (Kulturang Hapon / Kultura ng Ibang Bansa)
- Pagkokolekta at Pagbibigay ng Impormasyon (Paglikha ng artikulo ng impormasyon ng center / Pagpapatakbo ng aklatan / silid para sa pagbabasa
Kondisyon sa Pagrehistro
- Taong 18 taong gulang o higit pa na makakakilos nang responsable at kusang-loob
- Taong makakapag-alaga ng lihim / impormasyong nalaman sa aktibidad
- Taong nakatira, o nag-aaral / nagtatrabaho sa loob ng Wakayama prefecture
- Taong maaaring makipag-ugnayan nang maayos sa center at makakakilos sa ibang lugar na itinalaga ng center sa loob ng panahong nakarehistro
- Taong makakasali sa briefing, training at iba pang isasagawa ng center
- Taong maaaring maugnay sa gawain kung saan makikipagtulungan sa ibang boluntaryo
Panahon ng Rehistro
Nangangailangan kami ng mga boluntaryo para sa buong taon. Mangyari po lamang na huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.Ang panahon ng pagpaparehistro ay mula sa buwan kung kailan ka nagparehistro hanggang sa katapusan ng taon ng pananalapi (Abril hanggang katapusan ng Marso ng susunod na taon).Ang pagpaparehistro ay nare-renew bawat taon at aming kinukumpirma sa pamamagitan ng pagsulat kung ito at ire-renew o hindi.