Tungkol sa Center
Ang Wakayama International Exchange Center ay pinatatakbo ng Wakayama International Exchange Association na Public Interest Incorporated Foundation bilang itinalagang tagapangasiwa.
Kasaysayan
Sistema ng Organisasyon
Disyembre 2, 1998 | Pagtatag ng Wakayama International Exchange Center sa Wakayama Big Ai. |
Abril 1, 1999 | Pagtatalaga ng tanggapang pangkonsultasyon ukol sa pamumuhay ng mga dayuhan |
Piskal na taong 2006-2010 | Pinagkatiwalaan bilang itinalagang tagapangasiwa ng center na ito |
Piskal na taong 2011-2015 | Pinagkatiwalaan bilang itinalagang tagapangasiwa ng center na ito |
Piskal na taong 2016-2018 | Pinagkatiwalaan bilang itinalagang tagapangasiwa ng center na ito |
Piskal na taong 2019-2021 | Pinagkatiwalaan bilang itinalagang tagapangasiwa ng center na ito |
Piskal na taong 2022-2024 | Pinagkatiwalaan bilang itinalagang tagapangasiwa ng center na ito |
Pagbati ng Puno ng Center
Pagbati mula sa Direktor ng Sentro
Hello, everyone.
Kumusta sa inyong lahat.
Ako po si Toru Kitayama, Direktor ng Wakayama International Exchange Center.Inaasahan ko po kayong makilala lahat.
Ang Wakayama International Exchange Center ay may “Klase ng Wikang Hapon” para sa mga dayuhang nakatira sa Wakayama Prefecture. Mayroon rin kaming “Konsultasyon para sa mga Dayuhang Residente” kung saan maaaring sumangguni sa amin kung mayroong anumang problema sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Sinusuportahan namin ang mga dayuhang residente upang sila ay mamuhay nang maginhawa.
Nagdaraos rin kami ng mga kaganapan kung saan ipinakikilala namin ang mga dayuhang kultura, pamumuhay, at lutuin, at kung saan maaaring makipag-ugnayan sa isa’t-isa ang mga Hapon at dayuhan na nakatira sa Wakayama. Ito ay isang kaganapan kung saan magkakaintindihan ang mga Hapon at dayuhan.
Ang impeksiyon sa Corona ay nagpapatuloy mula noong 2020. Nakakalungkot na walang maraming pagkakataon para sa lahat upang magsama-sama. Mula ngayon, nais kong magdaos ng maraming mga kaganapan hangga’t maaari, ng nag-iingat na hindi mahawa ng corona.
Umaasa ako na maraming tao, parehong Hapon at dayuhan na naninirahan sa Wakayama, ang gagamit ng Center. Nais naming palalimin ang pang-unawa sa isa’t-isa. Nais naming lumikha kasama kayo ng isang Wakayama na madaling manirahan at madaling makapagtrabaho para sa lahat.
Mangyari po lamang na pumunta sa aming Center. Inaasahan po naming ang inyong pagpunta.
Puno ng Wakayama International Exchange Center
Toru Kitayama